Kung wala kang nakahandang pang equity,
napakaliit ng tsansa na makakuha ka ng bahay na RFO o ready for occupancy na.
Sa ganitong sitwasyon, makatwirang bumili ng
PRE SELLING na bahay keysa RFO!
Ano ang kaibahan ng Pre-selling at Ready For Occupancy (RFO)?
Kung kumikita ka ng buwanang suweldo at ginagastos n’yo ang malaking bahagi nito sa mga gastusin sa bahay tulad ng pagkain, pag aaral ng mga bata, kuryente at tubig, atbp.
Asahan mong may natitira man dito, malaki ang tsansa na inilalaan niyo ito para sa iba pang mahalagang gastusin.
Sa ganitong sitwasyon, maliit na ang pagkakataon na makaipon ng malaking halaga para magsimulang makapagpatayo ng sariling bahay.
Pero ang good news, kung dati ay kailangan muna ng malaking halaga, ngayon ang kailangan mo nalang ay may siguradong kinikita ka kada buwan mula sa iyong trabaho.
Sa PRE SELLING. May ipon ka man o wala, mabibigyan ka na ng kakayahang makapagsimula ng pinapangarap mong bahay at lupa para sa iyong pamilya.
Ang ganitong sitwasyon natin ang dahilan kung bakit karamihan ng mga bahay na ibinebenta sa merkado ay pre-selling.
Dahil ito lang ang sistema na hindi mo kailangan ng sapat na ipon para magkabahay.
Ang kailangan mo lang ay may regular kang kinikita kada buwan upang ma-approve ng bangko o PagIBIg ang iyong housing loan, at makalipat ng bahay habang hinuhulugan mo ang bayad kada buwan sa Pagibig o sa Bangko.
Para din itong nangungupahan ng bahay, nagbabayad ka din kada buwan.
Ang kaibahan lang ay may takdang panahon lang ng pagbabayad ang pre selling at pagdating ng oras na yun… mapapasainyo na ang bahay.
Samantalang sa pangungupahan, pagkabayad mo ngayong buwan ng renta, kinabukasan ay may utang ka na ulit.
Ang PRE SELLING ay yung mga bahay na gagawin palang pagkatapos hulugan ang downpayment, o kung kailan naka-schedule ang construction sa eksaktong lugar na napili mo para sa pagtatayuan ng iyong bahay.
Dahil gagawin palang ang bahay, kadalasan ay maliit lang ang hinihingi nitong halaga at puwede mo pang hulugan ng mas matagal.
10% ng kabuuang halaga ang kadalasang hinihingi sa ganitong sistema.
Samantalang ang Ready For Occupancy (RFO) ay yung bahay na gawa na o malapit ng matapos. Pero kadalasan ay mas malaki ang halagang kailangan para makalipat.
Dahil gawa na ang bahay, madalas ay hindi na puwedeng hulugan ang downpayment ng matagal na panahon.
Kadalasan ay nangangailangan ito ng cash mula 20-30% ng kabuuang halaga.
Halimbawa, 1M ang kabuuang halaga ng bahay X 30% = P 3000,000.
Bagamat karamihan sa mga gustong magkabahay ay gusto ng mabilis na paraan, kadalasang nagiging problema ay ang kakayanan na magbayad ng cash para sa downpayment.
Ito ang dahilan kaya mas praktikal na kumuha ng pre selling keysa RFO, dahil hindi ka kailangang mapressure sa malaking halaga na kakailanganin.
Ang pagbabayad ay abot-kaya ng iyong kinikita kada buwan at hindi nakabatay sa pagmamadali.
Sa ganitong paraan, wala kang kailangang ipag-alala kung kasya ba ang iyong suweldo o hindi.
Dahil puwede mo itong hulugan sa mas matagal na panahon kumpara sa pagbabayad ng malaking halaga.
Ganunpaman, ang pagpili sa paraan ng pagbabayad ay depende palagi sa iyong kahandaan.
Kung may nakatabi ka naman ng sapat na pera at tama ito para pambayad ng equity, mas mainam na kumuha ka na ng RFO para mas mabilis makalipat sa sariling bahay.
Sa oras na magbigay ng approval ang bangko o PagIBIG sa housing loan at naibigay na ang authority to move-in at iba pang mga dokumento na kasama nito, makakalipat na ang inyong pamilya sa bago niyong bahay.
Pre-selling man o RFO, pareho lang ang proseso ng paglipat.
Nagkakaiba lang sa tagal ng pagbabayad at paghihintay na matapos ang bahay.
Alinman ang piliin mo, dapat palagi natin isaalang-alang ang ating kahandaang pinansiyal.
Ang pagbili ng bahay ay hindi katulad ng pagbili lang ng ibang produkto,
hindi natin ito puwedeng madaliin dahil lang may pangangailangan
tayong lumipat agad.
Lalo na kung wala tayong sapat na pambayad para sa equity ng
mga bahay na puwede ng lipatan.
Karamihan sa atin ay isang beses lang kukuha ng bahay,
at may katagalan ang pagbabayad dito.
Malaking bahagi ng kikitain natin kada buwan ay mapupunta sa paghuhulog.
Kaya mas makakabuting paghandaan, at higit sa lahat, matiyagang maghintay na matapos ayon sa napagkasunduan ni’yo ng developer.
Huwag madaliin.
Bahagi dapat sa kahandaan natin ang pagbibigay ng tamang panahon hanggang matapos ang bahay.
Mahalagang mas magbigay diin tayo sa maayos at matibay na pagkakagawa, suriin mabuti bago lumipat o bago tanggapin ang bahay.
Dahil kung maibibigay ito sa inyo ng maayos at ayon sa schedule na napagkasunduan, asahan niyong magiging sulit ang buong panahon
ng inyong paghihintay.
RFO man o Pre Selling, ang mahalaga ay may makita tayong bunga ng ating pinagsikapan.
Sariling tahanan na puwede natin ipagmalaki kahit na kanino, isang tahanan na magbubuklod sa ating pamilya bumagyo man o umaraw.
*****
For House and lot in Batangas. Cavite and Laguna;
T: 0966-685-4601
Messenger: www.facebook.com/martrazon