Kasama sa dahilan ng pag alis ng karamihan sa mga kababayan nating OFW, ay ang dala-dala nilang pangarap na makapagpatayo ng sariling bahay para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Dahil sa teknolohiya, hindi na nagiging hadlang ngayon ang pagtatrabaho sa ibang bansa para direktang kumuha ng bahay dito sa Pilipinas.
Ganundin sa pagbabayad sa bangko o sa PagIBIG.
Bagamat may ilang mga komplikadong kaso sa pagpo-provide ng mga requirements...
Kadalasan ay nakakahanap pa din ng paraan para matupad ang pangarap na mabigyan ng sariling bahay at lupa ang kanilang pamilya.
Paano nga ba kumuha ng bahay kung isa kang OFW?
Narito ang mga pagkakasunod-sunod na paraan para mabigyan ng linaw ang inyong mga katanungan sa pagkuha ng bahay kahit pa nagtatrabaho sa ibang bansa.
1. Ang proseso ay nagsisimula sa paghahanap ng bahay sa lugar kung saan sila komportableng tumira.
Kadalasan ay nakikita ito sa pagsi search sa internet, sa social media, o sa referral at mga kakilala na nagbebenta ng bahay.
2. Ang susunod dito ay ang pagtatalaga ng representative (Attorney In-Fact, AIF) dito sa Pilipinas para tingnan ang bahay na nagustuhan kasama ng pinagkakatiwalaang ahente.
Ang representative ang magsisilbing kinatawan ng OFW para sa mga pangangailangang dokumento at proseso ng pagkuha ng bahay.
3. Pagkatapos tingnan at magustuhan, ang representative ay pipirma ng reservation form at magbabayad ng reservation fee.
Bilang katunayan na kinuha na nila ang napiling unit upang hindi na ito maibenta sa iba.
4. Pagkatapos nito ay magsisimula na ang paghuhulog ng unang downpayment pagkatapos ng 30 days.
Sunod-sunod na ito kada buwan hanggang matapos ang napagkasunduang panahon ng pagbabayad na nakalagay sa kontrata.
Kadalasan ay sampu hanggang labinlimang buwan itong hinuhulugan, minsan ay mas maigsi, minsan naman ay mas mahaba pa.
Depende palagi sa kung ano ang nakalagay sa kontrata.
5. Kasabay ng paghuhulog sa downpayment ay aasikasuhin na ang mga requirements na kailangan para sa housing loan.
Kinukumpleto ito sa loob ng thirty to sixty days simula sa araw ng pagbabayad ng reservation fee, depende ulit palagi sa kung ano ang nasa kontrata.
Mahalagang matapos agad ang mga requirements.
Mas mainam kung nakahanda na ito bago pa kumuha ng bahay.
Sa ganitong paraan, mabilis maisasagawa ang inisyal na evaluation ng bangko o PagIBIG sa kakayahang pinansiyal ng OFW na kumuha ng bahay.
Tandaan palagi na karamihan sa mga developer ay may patakaran na non-refundable ang reservation fee, hindi na ito puwede pang bawiin.
6. Isa sa mga dapat tandaan ay ang pangangailangang kumuha ng Special Power of Attorney (SPA).
Kadalasan ay ibinibigay ng developer ang form nito sa representative (AIF) at ipinapadala sa bansa kung nasaan ang OFW na kukuha ng bahay.
Ipinapa-authenticate ito at nilalagyan ng consularized Red Ribbon sa Philippine Embassy.
7. Tapos ay ipapadala ulit sa developer para makumpleto ang mga requirements.
Katunayan ito na binibigyan niya ng legal na karapatan ang kanyang representative sa pag aayos ng mga kailangan para sa pagkuha ng bahay.
8. Kung sakali namang nasa Pilipinas ang OFW sa araw na nagbayad ng reservation fee, hindi na niya kailangang magpaconsularize sa Philippine Embassy.
Ang kailangan lang niya ay siya na mismo ang pumirma ng mga kontrata sa opisina ng developer kasama ng kanyang representative.
Sa ganitong paraan, madaling makita kung magkakaroon ba ng problema o hindi ang mga dokumento ng OFW, upang mahanapan agad ng solusyon kung sakaling magkaproblema.
* * * * * * * * * *
Ilan sa mga problemang madalas kaharapin ng mga OFW ay ang mga sumusunod;
a. Kakulangan ng sapat na suweldo.
Mas mababa ang kinikita keysa sa nirerequired ng bangko para makapagpatuloy ng pagbabayad.
b. Kung hiwalay na ang mag asawa pero wala pang annulment paper/ copy of court decision on legal separation.
c. O di kaya ay magkahiwalay at ayaw ng papirmahin ang dating asawa sa mga dokumento.
d. kakulangan sa mga dokumentong kailangan.
Ilan lamang ito sa kadalasang nagiging problema ng mga OFW pagdating sa pagkuha ng bahay.
Mga mahihirap na sitwasyon na madalas ay hinahanapan ng solusyon bago pa magsimula.
Kaya mahalagang marunong at may magandang karanasan na ang ahente na inyong pipiliin, dahil sa kanila nakasalalay ang mga paraan na kailangan niyong gawin kung sakaling kaharapin ang ganitong problema.
Huwag umasa sa kakilala lang...palaging tingnan ang karanasan, kredibilidad at legalidad ng ahente.
* * * * * * * * * *
9. Pagkatapos ng mga requirements at tapos na ang downpayment...
Hihintayin nang matapos ang construction ng bahay pati na ang loan approval ng bangko o PagIBIG.
Kung Pre Selling ang kinuhang bahay.
10. Sa oras na maaprove ang loan at tapos na ang downpayment.
Posible ng magsimula sa pagbabayad ng monthly amortization.
Pero kadalasan ay pagkalipat ng bahay nagsisimula ang pagbabayad sa bangko o PAGibig.
Depende sa kasunduan na nakalagay sa kontrata.
Tandaan na puwede kayo palaging makipag negotiate sa bangko.
Pagdating sa interest at pagbabayad ng bahay.
11. Sa oras na matapos na ang bahay, bibigyan na kayo ng notice of completion.
Katunayang gawa na ang bahay at puwede ng inspeksyunin.
12. Kung maayos naman ang lahat at pumirma na ang representative bilang katunayan na tinatanggap na nila ng maayos ang bahay.
Sa oras na lumabas ang authority to move-in ay puwede nang lumipat at ayusin ang koneksiyon ng kuryente at tubig.
Pati na ang ibang gustong ipaaayos kung meron pang kailangan.
13. Kasunod na nito ay ang patuloy na pagbabayad ng monthly amortization habang nakatira na sa bahay, hanggang matapos ang napagkasunduang panahon ng pagbabayad.
Sa bangko, mula 3 hanggang 25 years.
Sa PagIBIG, mula 3 hanggang 30 years.
Sa in-house, mula 1 hanggang 10 years.
Depende sa pinirmahang kontrata, at kakayanan ng buyer kung ilang taon ang kayang bayaran ng inyong monthly income.
Sa ganitong proseso nakakakuha ng bahay ang isang OFW.
Bagamat may ilang masalimuot na proseso, palagi itong nagagawan ng paraan upang masiguradong matutupad ang pangarap nilang bahay at lupa para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Tandaan natin palagi na mas mahalagang nakabase sa inyong kakayanan ang pagkuha ng bahay, at hindi ito nakabase sa ganda o laki lang ng bahay.
Palagi dapat itong nakabatay sa siyensya at hindi sa emosyon.
Mag compute bago commit.
Mas magiging madali ang pagkamtan ng inyong pangarap kung sa simula palang ay nakahanda na ang lahat ng mga requirements, at nakaplano na sa inyong budget ang kakailanganin sa pagbili ng bahay.
Ang pagkuha ng bahay ay isang pangmatagalang commitment.
Hindi ito parang laruan na pag ayaw na ay puwede ng itapon lang.
May pera at emosyon na kasama ang pagbili ng bahay,
huwag madaliin kung hindi kaya.
Magkaroon ng sapat na paghahanda.
Basta may problema...Makipag-usap.
Huwag daaanin sa galit, mas magkakaintindihan ang dalawang panig kung maayos ang komunikasyon.
Alamin ang lahat ng kailangang alamin bago magbayad... hindi pagkatapos magbayad.
Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang sakit ng ulo at anumang problemang maaaring kaharapin sa pagkuha ng bahay sa hinaharap.
-END-
Naghahanap ka ba ng bahay at lupa?
Click the link below for complete details;
Batangas, Cavite & Laguna
http://betterfuturehomes.weebly.com/demeterland-batangas-cavite--laguna.html
or call 0966-685-4601
DM--> www.facebook.com/martrazon