May tatlong paraan...
1. Una
Kumuha ng co-borrower na makakatulong sa iyo.
Ang co-borrower ay yung mga immediate family member (kapatid, magulang, asawa, anak) na may pinagkukunan din ng buwanang pinagkakakitaan, at siyempre magtitiwala sa iyo na makukumpleto mo ang pagbabayad na hindi sila naaapektuhan.
Pinagsasama ng bangko ang inyong kinikita kada buwan sa pagkukuwenta para magkaroon sila ng kasiguruhan na matatapos mo ang pagbabayad ayon sa napagkasunduang halaga at panahon.
2. Pangalawa
Dagdagan ng mas malaking halaga ang ibabayad sa downpayment
para lumiit ang natitirang balanse.
Sa ganitong paraan, liliit ang halaga ng monthly amortization na kailangan sa iyo ng bangko upang masiguradong makakabayad ka kada buwan sa napagkasunduang halaga.
Dapat natin isaalang-alang na nakabatay sa pagkukuwenta ng ating kinikita at gastusin ang paraan ng pag alam ng bangko kung may kakayanan ka nga bang magbayad ng monthly amortization, o kailangan pa ng co-borrower para maapprove ang housing loan.
Kahit na alam natin sa sarili na kaya natin bayaran ang monthly amortization sa kasalukuyan nating kinikita, kailangan pa din ng konkretong katibayan.
Katibayan na may kakayanan nga tayong hati-hatiin ang ating kinikita kada buwan sa lahat ng gastusin at mga responsibilidad sa buhay.
Numero ang binibilang ng bangko, hindi ang ating emosyon.
3. Pangatlo
In-house financing
Hindi ka mangungutang sa bangko o PagIBIG, direkta ka sa developer o sa financing institution na nagmamanage ng in-house financing ng developer.
Kadalasan ay higit na mas malaki ang interest ng ganitong uri ng pagbabayad.
Minsan ay doble, minsan ay triple pa ang taas ng interest rate.
Mas limitado din kung ilang taon mo lang puwedeng bayaran ang kabuuang halaga ng bahay.
Bagamat mas malaki ang interest, mas madali naman ang proseso at hindi masyadong mahigpit sa mga requirements katulad ng bangko at PagIBIG.
Mas madaling makipag-usap kung sakaling magkaroon ng problema dahil direkta na kayo sa developer.
May mga bumibili ng bahay na mas gusto ang ganitong sistema kahit na higit na mas mahal, dahil ayaw nila ng maraming inaasikaso pagdating sa mga requirements at pagbabayad.
Hindi lahat ng developer ay nagooffer ng in-house financing.
Alinman ang piliin mo, mahalagang alam mo ang iyong kakayanan base sa tamang pag-estimate ng iyong kinikita kada buwan at sa gastusin sa araw-araw.
Alalahanin palagi na kadalasan ay non-refundable ang mga naibayad na downpayment, lalo na kung nagsisimula na ang bahay.
Bagamat may batas na umiiral para sa pagbili ng bahay, palagi natin isaalang-alang na hindi ganun kadali ang pagpapatupad ng batas. Matagal at mabagal ang proseso. (Tatalakayin natin ito sa mga susunod pang artikulo)
BAGO MAGSIMULA
Ugaliin palaging magtanong.
Alamin ang lahat ng kailangan.
Ayusin ang mga dokumento.
Organisahin ang inyong pinansiyal na kakayahan.
Alamin at gumawa ng listahan ng lahat ng mahahalagang bagay na kakailanganin, pinansiyal man o mga mahahalagang papeles. Para malaman kung kakayanin niyo ba o hindi.
Gawin lahat ito bago magsimula ng pagbabayad sa reservation fee...hindi pagkatapos magbayad.
Sa pamamagitan ng tamang pagsasaayos ng ating pinansiyal na kakayahan bago tayo magsimula, mas magiging epektibo at madali sa atin na matapos ang mga babayaran dahil nakaplano na ang lahat mula pa sa simula.
Ibig sabihin, inaasahan na natin ang mga parating na gastusin at nakahanda na tayo bago pa ito mangyari.
Wala ng ibang pinakaepektibong paraan para makaiwas sa anumang problemang kakaharapin kung hindi ang pagiging handa natin, at pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa ating bibilhing pangarap.
Sa huli, anumang hindi inaasahang problemang kakaharapin...makipag usap.
Huwag puputulin ang komunikasyon. Direktang makipag usap palagi.
Mas bukas ang ating komunikasyon. Mas alam natin ang totoong nangyayari.
Kapag alam natin ang kabuuang nangyayari at tama ang ating impormasyon, mas magaang ang ating pakiramdam.

Kung nakahanda ka ng magsimula para sa pangarap mong bahay,
matutulungan ka namin.
Ang mahabang karanasan namin sa paglilingkod pagdating sa bahay at lupa ang patuloy na nagbibigay sa amin ng kakayahan para maging madali ang pagkuha mo ng inyong unang bahay, OFW ka man o nasa Pilipinas.
BATANGAS: https://www.facebook.com/batangashomesrealty/
CAVITE & SAN PABLO: https://www.facebook.com/ofwmagkabahay/
Call/Tex: +63 966-685-4601
(Whatsapp/Viber)
Facebook: www.facebook.com/martrazon